HAPINOY TV LIVE: Panalo sa saya at premyo!

 

Ang Hapinoy ay mula sa mga salitang “happy” (“masaya”) at “Pinoy.” Kaya naman simula ng ito ay maitatag, ipinamuhay na ng Hapinoy at ng lahat ng mga naging katuwang nito ang pagiging masaya sa kabila ng mga pagsubok na maaaring maranasan sa negosyo man o sa buhay.

Ilang buwan makalipas ang pagkalaganap ng COVID-19 virus sa bansa, nakita natin ang mga negatibong epekto nito sa ating buhay. Kaya naman, ngayong darating na Hulyo 21, 2020 magsisimula na ang linggu-linggong pagpapasaya ng Hapinoy sa mga sari-sari store owners sa bansa dahil ang HAPINOY TV LIVE ay mapapanood na sa Hapinoy Facebook Page. Kasabay ng iba pang programa ng Hapinoy, layon nito na makatulong sa mga sari-sari store owners sa pamamagitan ng pagpapasiya at pagbibigay ng mga pa-premyo.

Hapinoy TV Live Poster.jpg

Ang Hapinoy TV Live ay isang 30 minutong kwentuhan at kasiyahan kung saan maaari kang matuto ng mga bagong kaalaman at tips sa pagtitindahan at manalo ng mga instant na papremyo! Ito ay mapapanood kada Martes at Huwebes, ala-una ng hapon.

Gusto mo bang makisaya at magkaroon ng tyansang manalo? CLICK HERE to register now! Para sa iba pang detalye tungkol sa Hapinoy TV Live, bisitahin na ang facebook.com/hapinoy.