New Normal sa Tindahan kasama ang HapiShop!

 

New normal — dalawang salita at isang sitwasyon na nararanasan nating lahat sa panahon ngayon.

Para sa mga sari-sari store owners na katulad mo, ito ay maituturing na isang pagsubok dahil sa maraming pagbabago na nararanasan at kinakailangang gawin sa tindahan. Ngunit, sang-ayon ka ba na maaari rin itong makita bilang isang oportunidad sa negosyo?

Paano nga ba sasabayan ng iyong sari-sari store ang new normal, negosyante?

HapiShop sa BizMo App, nagbabalik
Para sa pagsabay sa mga pagbabago sa ating komunidad, may mga ginawa rin tayong pagsasaayos sa ating negosyo, tama ba? Maliban sa pagsusuot ng face masks, pagpapanatili ng physical distancing sa tindahan, at pagkakaroon ng limitadong oras sa negosyo, ang pagsabak sa online business ay marahil isa sa iyong gustong subukan o ginagawa na para unti-unting makabawi at makabangon muli sa iyong negosyo.

Kaya naman, nagbabalik muli ang HapiShop sa BizMo App para makapagbukas ng isa pang oportunidad para sa iyong tindahan! Sa HapiShop, makakapagdagdag ka na ng gadgets at appliances sa listahan ng mga maaaring bilihin sa iyong tindahan. Maaari mo nang sabayan ang pagiging online ng iyong mga mamimili! Sa pag-extend ng iyong tindahan sa mga dagdag produkto na ito, hindi lang ito magsisilbing oportunidad na magkaroon ng dagdag kita; ito rin ay isang pagkakataon na makapaghatid ng dagdag serbisyo sa iyong mga suki sa pamamagitan ng iyong tindahan.

Download BizMo App now!

HapiShop, ang ‘New Nor-mall’
At ngayon na limitado pa rin ang ating transportasyon at ang paglabas, maaari mong gamitin ang pagkakataon na ito na mas mapalapit ang mga gadgets, appliances, at iba pa sa iyong mga mamimili. Siguradong sa iyong mga kapitbahayan ay nangangailangan ng mga gadgets gaya ng cellphone o laptop para sa kanilang work from home set-up o online classes. Kung available ang mga ito sa iyong tindahan, maaari nang makabili ang iyong mga suki nang hindi lumalayo at makakaiwas sa mahabang pagpila sa labas. Katuwang ang HapiShop, ang iyong tindahan ay maaari nang maging ‘new nor-mall’! Gamit lang ang iyong smartphone, kayang-kaya mo nang ialok ang mga produkto na dati ay sa mall lang o sa malalaking establishments pwedeng mabili.

Sama-sama nating alamin kung paano maaaring gamitin ang Facebook para sa ating negosyo!

Ngayong nakakaranas tayo ng maraming pagbabago, mas mahalaga ang iyong papel sa pamilya at komunidad. Bilang isang sari-sari store owner, ang iyong tindahan ang pinakamalapit na takbuhan para sa mga pangangailangan ng iyong komunidad. Hindi ba’t masarap sa pakiramdam na habang sinasabayan natin ang new normal para makabangon sa ating negosyo ay naihahatid din natin ang mga pangangailangan ng ating mga komunidad sa tulong ng mga dagdag produkto sa ating tindahan?

Alam mong nasa sa iyo ang desisyon kung paano kang babangon muli mula sa krisis na ating kinahaharap ngayon. Maaari mong tignan ang new normal na ito bilang balakid, o ‘di kaya naman ay oportunidad para mas mapalawak ang negosyo at serbisyo para sa dagdag kita at dagdag tulong para sa iyong pamilya at para sa iba.


Tara at idagdag natin ang new normal needs ng iyong mga suki sa iyong tindahan! I-click ang link na ito bit.ly/HapinoyBizMoApp para maidagdag ang HapiShop sa iyong tindahan! Para sa iba pang impormasyon tungkol sa HapiShop, i-like at bisitahin lang ang Hapinoy BizMo Facebook Page sa www.facebook.com/HapinoyBizMo.