Tindahan Ko sa Panahon ng Krisis

 

“Ano ba ang pwede kong maitulong ngayong may krisis?”

Tanong mo rin ba ito, negosyante? Hindi ba’t ang sarap makatanggap ng tulong? Pero sa kabilang banda, masarap din sa pakiramdam ang tumulong. Kaya naman sa kabila ng krisis na kinahaharap natin ngayon, makikita pa rin natin ang pagtutulungan at bayanihan sa iba’t ibang paraan. Mayroong mga donation drives, pagvo-volunteer sa pag-abot ng tulong, at marami pang iba.

Pero bilang isang sari-sari store owner, alam mo bang may maiaambag ka rin na tulong para sa iba?

Bagong oportunidad para sa komunidad at pamilya 

Ngayon na ipinatupad ang social distancing at community quarantine, mahirap at limitado na sa pagpunta sa mga groceries at palengke para sa pamimili at sa pag-access ng iba’t ibang serbisyo. At bilang isang sari-sari store owner, pinakamalapit na pwedeng pagbilihan ng iyong komunidad sa oras ng kanilang pangangailangan. Ito ang iyong tulong sa pamamagitan ng iyong tindahan!  

Maliban sa mga pangunahing mga produkto katulad ng mga instant goods at gamot, ito na ang pagkakataon para magdagdag ng mga mobile services gaya ng loading, bills payment, at pera padala na siguradong kakailanganin ng iyong mga suki sa mga oras na ito.

Pero paano mo nga ba idadagdag ang mga ito? Narito ang limang service providers kung saan available ang iba’t ibang online services:

 
1. GCashSa GCash, pwede ka nang mag-offer ng loading, bills payment, send money, bank transfer, at iba pa sa iyong mga suki!

1. GCash

Sa GCash, pwede ka nang mag-offer ng loading, bills payment, send money, bank transfer, at iba pa sa iyong mga suki!

2. PaymayaIdagdag ang loading, bills payment, send money, bank transfer, at iba pa sa iyong tindahan sa Paymaya!

2. Paymaya

Idagdag ang loading, bills payment, send money, bank transfer, at iba pa sa iyong tindahan sa Paymaya!

 
 
3. Coins.phMeron ding loading, bills payment, send money, at iba pang serbisyo sa Coins. ph!

3. Coins.ph

Meron ding loading, bills payment, send money, at iba pang serbisyo sa Coins. ph!

4. DigipayGawing easier ang pagbayad ng bills, loading, at pagpapadala ng pera sa Digipay!

4. Digipay

Gawing easier ang pagbayad ng bills, loading, at pagpapadala ng pera sa Digipay!

5. USSCSa USSC, meron ding loading, bills payment, at pera padala para sa iyong mga suki!

5. USSC

Sa USSC, meron ding loading, bills payment, at pera padala para sa iyong mga suki!

 
 

At good news dahil sa NewBiz natin sa BizMo App, pwede ka nang mag-register sa mga ito ngayon! Gamit lang ang iyong smartphone, ito ang mga bagong oportunidad na makapag-abot ng tulong sa ating komunidad sa panahon ng krisis. At hindi dito natatapos ang good news, dahil hindi lang ang mga suki ang matutulungan mo, kung hindi pati na rin ang iyong pamilya dahil sa dagdag kita na maaaring makuha mula rito. Dagdag serbisyo para sa komunidad, dagdag kita rin para sa pamilya!

Related: Redefining “sari-sari” with Hapinoy BizMo

Sabi nga, walang maliit o malaking tulong sa panahon na lahat tayo ay nakakaranas ng paghihirap. At sa hatid na mga produkto at serbisyo ng iyong tindahan, may maitutulong ka bilang isang sari-sari store owner, at frontliner na patuloy na nilalabanan ang krisis na ating kinahaharap. Kaya negosyante, may maiaambag ka!

-- 

Tara at i-offer ang mga online services na ito sa iyong tindahan! I-click lang ang link na ito: bit.ly/HapinoyBizMoApp para ma-download ang BizMo App for FREE!

Sali na rin sa BizMo Community para sa latest updates at iba pang impormasyon tungkol sa BizMo! I-click lang ang link na ito: www.facebook.com/groups/communitybizmo to join!